My Final Demonstration Teaching
"We are not just teachers, we are the managers of the world's
greatest resource: Children"
-Robert John Meehan
I've
conducted my final demonstration teaching on November 29, 2017 at exactly 8:40
am at Guiguinto National Vocational High School. It's a stupendous experience,
for me it sums up everything I've been learned and the efforts or hardships of
every College of Education Students.
My lesson for my final demonstration teaching is: KONSEPTO AT PALATANDAAN
NG PAMBASANG KAUNLARAN.
Here is my detailed lesson plan for
my final demonstration teaching:
GUIGUINTO NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL
Republica ng Pilipinas
Region III
Division of Bulacan
Poblacion, Guiguinto, Bulacan
Departamento ng Araling Panlipunan
Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IX: Ekonomiks
Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. naipapaliwanag ang konsepto ng pag-unlad, mga palatandaan ng pag-unlad at responsibilad ng mga Pilipino para sa Pambansang Kaunlaran,
b. naipapakita ito sa pamamagitan ng isang tableau at;
c. naisasabalikat ang pananagutan bilang isang Pilipino sa pamamagitan ng pag-alam sa responsibilad bilang isang mamamayan ng ating bansa para sa Pambansang Kaunlaran.
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
b. Sanggunian: Ekonomiks: Araling Panlipunan, Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas
c. Mga kagamitan:
LCD Projector Mga larawan
Pisara Kagamitang Biswal
Powerpoint Presentation
Gawain ng Guro
|
Gawain ng mga mag-aaral
| ||||||||||||||||||||
III. Pamamaraan
a. Paunang Gawain
i. Panalangin
Ngayon, simulan natin ang ating aralin sa pamamagitan ng isang Panalangin na pangungunahan ng inyong kamag-aral.
ii. Pagbati
Magandang araw sa inyo Grade 9 Balintawak
iii. Pagsisiyasat sa kapaligiran
Bago kayo umupo, siyasatin niyo muna ang ating kapaligiran, maari niyo bang pulutin yung mga kalat na nakikita niyo sa ilalim ng inyong upuan at sa nakikita niyong kalat sa inyong kapaligiran, pagkatapos nito paki-ayos ang inyong mga upuan at maari na kayong umupo.
iv. Pagtatala ng Liban
Mayroon bang lumiban sa ika-unang pangkat?
Mayroon bang lumiban sa ikalawang pangkat?
Mayroon bang lumiban sa ikatlong pangkat?
Mayroon bang lumiban sa ika-apat na pangkat?
Magaling! Dahil walang lumiban sa inyong seksyon, bigyan niyo ang inyong mga sarili na Power Clap!
b. Pagbabalik-aral
Bago tayo dumako sa panibago nating aralin, mag babalik-aral muna tayo sa nakaraang aralin ang Paikot na daloy ng Ekonomiya.
1. Ilan ang modelo ng Ekonomiya?
Mahusay!
2. Ito ang bumibili sa Pamilihan ng kalakal at paglilingkod.
Magaling!
3. Ito naman ang pumapasok sa ikalimang modelo.
Tama!
4. Ang bahay-kalakal ba at ang sambahayan ay iisa sa unang modelo?
Tama ang inyong sagot!
5. Ano ang kahulugan ng VAT?
Mahusay!
Magaling mga mag-aaral, lubos niyo nang naintindihan ang nakaraan nating tinalakay, ngayon ay dadako na tayo sa panibagong aralin.
c. Pagganyak/lunsaran
Bago tayo dumako sa ating talakayan, magkakaroon muna tayo ng pangkatang gawain. Ako ay isang Mayor ng isang bayan at nais kong magpa-design ng isang komunidad, bibigyan ko kayo ng mga larawan ng mga imprastraktura na tumutukoy sa isang komunidad. Mayroon lamang kayong 3 minuto para buuin ang inyong napiling larawan ng komunidad, kailangan ng 2 representative sa inyong grupo na siyang magpapaliwanag ng inyong nabuong larawan ng komunidad.
Paano niyo ilalarawan ang nabuo niyong larawan ng komunidad?
Magaling! Dahil ang ating tatalakayin ngayon ay patungkol sa Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran.
d. Pagtatalakay
Sa tingin niyo mga mag-aaral, Paano niyo bibigyang kahulugan ang salitang kaunlaran?
Mahusay!
Para mas lalo pa nating maintindihan ang ating aralin, magkakaroon tayo ng pangkat gawain. Diba mayroong akong inatang na pangkatang gawain para sa araw na ito na nagsilbi ding inyong takdang-aralin?
.
Ano yung gagawin nating pangkatang gawain ngayon?
Magaling, ito ang GRASPS ng ating Performance based na talkayan
GRASPS: Performance based talakayan
Goal: Ang layunin niyo ay maituro sa mga mag-aaral ng ekonomiks ng Guiguinto University ang iba’t ibang Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran sa pamamagitan ng isang Tableu.
Role: Kayo ay maaring maging ekonomista, engineer, doctor, nurse, teacher, businessman, environmentalist, factory worker, scientist, pulitiko, isang ordinaryong mamamayan, isang sundalo at isang negosyante.
Audience: Ang manunood ng inyong talakayan ay mga mag-aaral ng ekonomiks (inyong mga kaklase) at isang propesor (si Sir Erick) mula sa Guiguinto University.
Situation: Kayo ay naimbitahan ng isang propesor ng Guiguinto University na mag talakay patungkol sa Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran, ito ang maari niyong ipaliwanag sa inyong talakayan:
Sa unang grupo: Konsepto ng pag-unlad
Sa ikalawang grupo: Mga palatandaan ng pag-unlad
Sa ikatlong grupo: Human development index
Sa ika-apat na grupo: Sama-samang pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran.
Performance: Ang bawat grupo ay kinakailangang maipaliwanag ang iba’t ibang konsepto at palatandaan ng pag-unlad sa pamamagitan ng isang tableau, kailangan niyong maipakita ito sa isang masigla, makulay at masigasig na performance.
Standards: Accuracy ng impormasyon, pagpapaliwanag, presentasyon at pakiki-isa ng mga miyembro sa kanilang performance
Mayroon lamang kayong 7 minuto para maghanda sa inyong performance at mayroon lamang kayong 3-5 minuto ipang ipakita, ipaliwanag ang inyong presentasyon.
Pero bago tayo mag simula sa inyong paghahanda, alamin muna natin kung ano ang magiging rubriks ng inyong performance, ito ang rubriks ng inyong performance:
(Pagkatapos ng 15 minuto)
Ngayon maari ng mag simula ang unang pangkat. Ang ipepresenta nila at ang ipapaliwanag ay patungkol sa Konsepto ng Pag-unlad Ang lahat ay makinig at panatilihin natin ang katahimikan habang nagpapakita ng presentasyon ang unang grupo.
Magaling unang pangkat! Bigyan natin sila ng Werpa Clap
Ngayon ay naintindihan na natin ang konsepto ng pag-unlad, ayon kay Amartya Sen, ang pag-unlad ay matatamo lamang kung mapapaunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya ng bansa.
Dadako na tayo sa Ikalawang pangkat. Ang ipapaliwanag naman nila ang patungkol sa Mga Palatandaan ng Pag-unlad. Ang lahat ay makinig at panatilihin natin ang katahimikan habang nagpapakita ng presentasyon ang ikalawang grupo.
Mahusay ikalawang pangkat! Bigyan natin sila ng Lodi Clap
Ngayon ay lubos na nating naintindihan ang mga palatandaan ng pag-unlad na nahahati ito sa dalawa, ang pagsulong at ang pag-unlad. Hindi ito nababase sa imprastraktura at modernong kagamitan bagkus ito ay nababase sa magandang pamumuhay ng tao, pagbabago sa istruktura ng lipunan at gawi ng tao.
Dadako na tayo sa ikatlong pangkat. Ang ipapaliwanag naman nila ang patungkol sa Human Development Index. Ang lahat ay makinig at panatilihin natin ang katahimikan habang nagpapakita ng presentasyon ang ikatlong grupo.
Magaling ikatlong pangkat! bigyan natin sila ng Petmalu Clap.
Ngayon ay naintindihan na natin ang Human Development Index, sinusukat rito kung ang mga bansa ay natutugunan ba ang mga mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao katulad ng kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay.
Dadako na tayo sa ika-apat at huling pangkat. Ang ipapaliwanag naman nila ang patungkol sa Sama-samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran. Ang lahat ay makinig at panatilihin natin ang katahimikan habang nagpapakita ng presentasyon ang ika-apat na grupo.
Mahusay ika-apat na pangkat! bigyan natin sila ng Wow Fantastic Clap.
e. Pangwakas na Gawain
i. Paglalagom
Base sa ginawa nating pagtatalakay at presentasyon, paano niyo bibigyang kahulugan ang pag-unlad?
Mahusay! Ano ang kahalagahan ng Human Development Index.
Magaling! Ayon sa pahayag ni Amartya Sen, ano ang kahulugan ng tunay na pag-unlad?
Magaling! Gaano kalahaga ang Yamang Tao bilang salik na maaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa.
Mahusay! Lubos niyo nang naintindihan ang ating pinag-aralan.
ii. Pagpapahalaga
Tayo ay manunuod ng isang maikling Video Presentation patungkol sa tunay na nangyayari sa ating bansa, di ba sinasabi ng ating pamahalaan na maunlad na ang bansang Pilipinas pero marami pa ding mga Pilipino ang naiiwan sa agos ng pag-unlad, tunghayan nating ang video.
Gabay na tanong pagkatapos ng Video Presentation
1. Tunay na bang maunlad ang bansang Pilipinas ayon sa napanuod natin, bakit?
2. Ano ang maari mong maitulong sa pag-unlad ng ating bansa bilang isang mag-aaral?
iii. Paglalapat
Ang tunay na pag-unlad ay makakamtan natin kung tayo ay magiging responsableng mamamayan at magpapakita ng pag mamahal sa ating bansa, ikaw bilang isang kabataan, paano mo maipapakita ang pagmamahal at pagiging responsableng mamamayan ng ating bansa?
|
(Magdadasal ang mga mag-aaral)
Magandang araw din po Sir Erick!
(Ang mga mag-aaral ay magpupulot ng kalat at mag-aayos ng silya)
Sir, wala pong lumiban sa aming grupo.
Sir, wala pong lumiban sa aming grupo.
Sir, wala pong lumiban sa aming grupo.
Sir, wala pong lumiban sa aming grupo.
Sir! 5 po.
Sir! Ang bahay-kalakal po.
Sir! Ang Pamilihang panlabas po, o ang dayuhang ekonomiya.
Opo! Iisa lang sir.
Sir! Value Added Tax po.
(Ipapakita sa harapan ang nabuong komunidad at ipapaliwanag ng 2 representative ang nabuong komunidad)
Sir! Maganda po, ideyal po at maunlad po!
Sir! Ang kaunlaran po ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay, maari din poi to maging kaugnay sa salitang pagsulong.
Opo sir!
Tableau po sir! Ayon po sa ibinigay niyong GRASPS
(Ang mga mag-aaral ay maghahanda para sa kanilang pangkatang gawain)
(Ipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang pinaghandaan sa pamamagitan ng isang tableau, ang mga mag-aaral ay nakabihis na pang inhinyero at businessman at pang ekonomista, ipapaliwanag ng grupo ang pagkakaintindi nila sa konsepto ng pag-unlad.)
Nakapaloob rito ang:
· Kahulugan ng pag-unlad ayon kay Feliciano R. Fajardo, Michael Todaro at Stephen C. Smith, at kay Amartya Sen.
(ang lahat ay gagawin ang werpa clap)
(Ipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang pinaghandaan sa pamamagitan ng isang tableau, ang mga mag-aaral ay nakabihis na pang environmentalist, factory worker at scientist, ipapaliwanag ng grupo ang pagkakaintindi nila sa mga palatandaan ng pag-unlad.)
Nakapaloob rito ang:
· Kahulugan ng pagsulong
· Mga salik na maaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa.
· Kahulugan ng pag-unlad
(ang lahat ay gagawin ang Lodi clap)
(Ipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang pinaghandaan sa pamamagitan ng isang tableau, ang mga mag-aaral ay nakabihis na pang guro, doktor at nars ipapaliwanag ng grupo ang pagkakaintindi nila sa Human Development Index.)
Nakapaloob rito ang:
· Kahulugan ng HDI
· Kahalagahan ng HDI
(ang lahat ay gagawin ang petmalu clap)
(Ipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang pinaghandaan sa pamamagitan ng isang tableau, ang mga mag-aaral ay nakabihis na pang pulitiko, isang ordinaryong mamamayan, isang sundalo at isang negosyante. ipapaliwanag ng grupo ang pagkakaintindi nila sa Sama-samang pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran)
Nakapaloob rito ang:
· Pananagutan ng mga Pilipino sa Pilipinas
· Pagiging maabilidad
· Pagiging Makabansa
· Pagiging Maalam
(ang lahat ay gagawin ang wow fantastic clap)
Sir! Ang pag-unlad po ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay, maari din poi to maging kaugnay sa salitang pagsulong.
Sir! Kaya po nabuo ang HDI upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat pangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa.
Sir! Ang pag-unlad ay matatamo lamang ito kung mapapaunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya ng bansa.
Sir! Dahil mas marami pong output ang malilikha ng isang bansa kung maalam at may kakayahan ang mga manggagawa.
(ang mga mag-aaral ay manunuod sa video presentation)
(Ang sagot ng mga mag-aaral ay mababase sa kanilang ideya at saloobin)
|
IV. Pagtataya
Kahon-Analysis
Basahin at suriin ang mga sumusnod na pahayag. Ipaliwanag ang iyong sagot sa loob ng kahon.
V. Kasunduan
Sagutan ang Gawain 9: Graphic Organizer
Leaners Material: Pahina 350
Here are the slides of my Powerpoint
Presentation:
Here is the rubrics for the tableau
presentation of the students:
Here are the
information's from the handouts I've made for the students:
KONSEPTO NG PAG-UNLAD
Batay sa diksiyonaryong Merriam-Webster, Ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.
KONSEPTO NG PAG-UNLAD AYON KAY FELICIANO R. FAJARDO
Sa aklat ni Feliciano R. Fajardo na Economic Development (1994), malinaw niyang inilahad ang pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad. Ayon kay Feliciano R. Fajardo na ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso at ang pagsulong ay ang bunga ng pag-unlad.
Halimbawa ng pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad:
Ang makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng palay ay kinapapalooban ng isang proseso at ito ang pag-unlad. Ang resulta nito ay mas maraming ani at ito ang pagsulong.
Ayon din kay Feliciano R. Fajardo na ang pagsulong ay nakikita at nasusukat, ang mga halimbawa nito ay mga daan, sasakyan, kabahayan, gusali, ospital, bangko at paraalan. Ang mga ito ang resulta ng pag-unlad ngunit hindi lamang ito ang kahulugan ng pag-unlad, ang pag-unlad ay isang progesibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao gaya ng pagpapababa ng antas ng kahirapan, kawalan ng trabaho, kamangmangan, di pagkakapantay-pantay at krimen.
KONSEPTO NG PAG-UNLAD AYON KIN MICHAEL P. TODARO AT STEPHEN C. SMITH
Inilahad nina Michael P. Todaro at Stephen C. Smith sa kanilang aklat na Economic Development (2012) na ang dalawang konsepto ng pag-unlad ay ang tradisyonal na pananaw at makabagong pananaw.
Tradisyong pananaw- Binigyang-diin ang pag-unlad bilang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng antas ng per capita income nang sa gayon ay mas mabilis maparami ng bansa ang kanyang output kaysa sa pagbilis ng populasyon.
Makabagong pananaw- Ipinapakita rito na ang pag-unlad ay dapat kumatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan kung saan ang mga tao ay mapalayo sa hindi kaaya-ayang kondisyon ng pamumuhay tungo sa mas kasiya-siyang pamumuhay.
KONSEPTO NG PAG-UNLAD AYON KAY AMARTYA SEN
Ayon kay Amartya Sen sa kanyang libro na Development as a freedom (2008), ipinaliwanag niya na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung “mapapaunlad ang yaman ng buhay ng tao kaysa sa yaman ng ekonomiya”. Upang matamo ito, mahalagang biyan ng pansin kung paano masosolosyunan ang kahirapan, diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay.
MGA PALATANDAAN NG PAG-UNLAD
PAGSULONG
Masasabi na ang pagsulong ay isa lamang aspekto ng pag-unlad. Sa pagsulong, sinusukat ang halaga ng mga produkto at serbisyong nalilha sa loob ng isang panahon. Sa pagsukat nito, ginaamit ang Gross Domestic Product (GDP) at Gross National Product.
MGA SALIK NA MAARING MAKATULONG SA PAGSULONG NG EKONOMIYA NG ISANG BANSA MULA SA LIBRONG CONCEPTS AND CHOICES (2002) NINA SALLY MEEK, JOHN MORTON AT MARK SCHUG:
1. LIKAS NA YAMAN- Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan at mineral. Subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas na yaman sa mabilis na pagsulong ng isang bansa.
2. YAMANG TAO- Isa ring mahalagang salik na tinitingnan na pagsulong ng ekonomiya ang lakas-paggawa. Mas maraming output ang nalilikha sa isang bansa kung maalam at may kakayahan ng mga manggagawa nito.
3. KAPITAL- Sinasabing lubhang mahalaga ang capital sa pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa. Sa tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga pagawaan ay nakakalikha ng mas maraming produkto at serbisyo.
4. TEKNOLOHIYA AT INOBASYON- Sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit nang mas mabali ang pagkuha sa mga pinagkukunang-yaman upang mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo.
PAG-UNLAD
Hindi sapat na panukat ang kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo dahil hindi nito naipapakita ung paano naipamamahagi ang kita at yaman ng bansa sa mga mamamayan nito. Hindi sapat ang mga numero, makabagong teknolohiya at nagtataasang gusali upang masabing ganap na maunlad ang isang bansa.
HUMAN DEVELOPMENT INDEX
Ginagamit din ang Human Development Index bilang isa sa mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa. Ang Human Development Index (HDI) ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao:
· Kalusugan
· Edukasyon at;
· Antas ng Pamumuhay
PANGKALUSUGAN
Ipinapahiwatig dito ang bilang ng taon na inaasahang itatagal ng isang sanggol kung ang umiiral na dahilan o sanhi ng kamatayan sa panahon ng kaniyang kapanganakan ay mananatili habang siya ay nabubuhay.
PANG-EDUKASYON
Ipinapakita rito ang pagsukat ng literacy rate ng isang bansa. Ang mean years of schooling at expected years of schooling din ang ginagamit na pananda. Ayon sa United Nation Educational, Scientific and Cultural Organization na batay sa mga datos mula sa sarbet at sensus na ang mean years of schooling ukol sa antas ng pinag-aralan ng mamamayan na may 25 taong gulang. Samantala, ang expected years of schooling naman ay natataya base sa bilang ng mga nag-aaral sa lahat ng antas ng edukasyon. Itinakda na 18 taon bilang expected years of schooling ng UNESCO.
KAHALAGAHAN NG HDI
Ang HDI ay nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa, hindi lang ang pagsulong ng ekonomiya .
Sa pinakaunang Human Development Reportna inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP) noong 1990, inilahad ang pangunahing saliganng sumunod pang mga ulat na nagsasabing “Ang mga tao ang tunay na kayamanan ng isang bansa.” Ang Human Development Report ay magkaroon ng mahalagang implikasyon sa pagbuo ng mga polisiya ng mga bansa sa buong mundo.
Ang Human development ay hindi napapako sa iisang konsepto lamang, bagkus, habang nagbabago ang mundo ay patuloy ring nagbabago ang pamamaraan at konseptong nakapaloob dito, tanging ang katotohanangg ang pag-unlad ay tunay na nasusukat lamang sa pamamagitan ng epekto sa pamumuhay ng mga tao.
SAMA-SAMANG PAGKILOS PARA SA PAMBANSANG KAUNLARAN
Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mamamayan. Bawat isa ay may gampanin sa pag-unlad ng bansa, maaring ang pagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng bansa ay sa pamamagitan ng pansariling pagsisikap o sama-samang pagtutulungan. Ang paglaya sa kakapusan ng bawat isa ay isang paraan na maaring gawin ng isang indibidwal sa pamamagitan ng matalinong pamamahala at pananalapi. Maaring gawin ang sumusunod bilang ilan sa mga estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng bansa:
MAPANAGUTAN
1. Tamang pagbabayad ng buwis- Ang pagkakaroon ng kultura ng tamang pagbabayad ng buwis ay makakatulong upang magkaroon ang pamahalaan nag sapat na halagang magagamit sa mga serbisyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon, murang programa pangkalusugan.
2. Makialam- Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban. Paglaban sa anomaly at korporasyon maloot man o malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala. Mahalagang itaguyod ng mamamayan ang kultura ng pagiging tapat sa pribado at publikong buhay. Hing katanggap-tanggap ang pananahimik at pagsasawalang-kibo ng mamamayan sa mga maling nagaganap sa loob ng bahay, sa komunidad, sa paaralan, pamahalaan at sa trabaho.
MAABILIDAD
1. Bumuo o sumaIi sa kooperatiba- Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang paraan upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa. Ang mga nagpapatakbo ng kooperatiba ay mga kasapi rin naniniwala sa sama-samang pag-unlad.
2. Pagnenegosyo- Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat nating sikapin na maging negosyante upang tunay na kontrolao ng Pilipino ang kabuhuyan ng bansa at hindi ng mga dayuhan.
MAKABANSA
1. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa- Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino.
2. Pagtangkilik sa mga Produktong Pilipino. Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing tinatangkilik natin ang dayuhang produkto. Dapat nating tangkilikin ang produktong Pilipino.
MAALAM
1. Tamang pagboto. Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago pumili ng iboboto, suriing mabuti ang mga kandidato bago bumoto.
2. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyekton pangkaunlaran sa komunidad-
Ang pag-unlad ay hingi magaganap kung ang pamahalaan lamang ang kikilos. Maaring manguna ang mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran. Dapat ay magkaroon tayo ng malasakit sa ating komunidad upang makabuo at makapagpatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad.
Here are the documentation of my Final Demonstration teaching:
Here
are the materials for my final demonstration teaching:
Here are my Scoring Rubrics for my Final Demonstration Teaching.
The
scoring sheet of Mr. Lemuel P. Del Rosario (Supervisor, Social studies Majors
of Bulacan State University)
The scoring sheet of Ma'am Jocelyn J. Reyes (my cooperating
teacher)
Good presentation sir!
ReplyDeleteThank you sir/ma'am
DeleteHi sir erickson :* hahaha
ReplyDeleteHello
DeleteLove your presentation sir and it also help me do my demonstration and lesson plan.
ReplyDeleteYou're welcome po
Delete